Mga Regulasyon
Ang aming pangangasiwa sa paglilisensya at regulasyon ay nagbibigay ng isang transparent at ligtas na kapaligiran para sa 'yo upang makisali sa mga aktibidad ng pagte-trade. Maaari kang mag-trade nang may kumpiyansa at kapanatagan, dahil alam mo na ang iyong pampinansyal na seguridad ay aming pangunahing prayoridad.
Seychelles Financial Services Authority (FSA)
Ang Just Global Markets Ltd., na may registration number na 8427198-1, ay isang Securities Dealer na kinokontrol ng Seychelles Financial Services Authority (FSA) sa ilalim ng Securities Dealer License number na SD088.
Matuto paCyprus Securities and Exchange Commission (CySEC)
Ang JustMarkets Ltd, na may registration number na HE 361312, ay isang Cyprus Investment Firm na awtorisado at kinokontrol ng Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC) na may license number na 401/21.
Matuto paFinancial Sector Conduct Authority (FSCA)
Ang Just Global Markets (PTY) Ltd, na may registration number na 2020/263432/07, ay awtorisado ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA) sa South Africa bilang isang Financial Service Provider (FSP) na may FSP number na 51114.
Matuto paFinancial Services Commission (FSC)
Ang Just Global Markets (MU) Limited, na may registration number na 194590, ay isang Investment Dealer (Full Service Dealer, Hindi Kasama ang Underwriting) na kinokontrol ng Financial Services Commission (FSC) sa Mauritius sa ilalim ng License number na GB22200881.
Matuto paFinancial Services Commission (FSC)
Ang Just Global Markets (VG) Limited, na may registration number na 2139756, ay isang kumpanyang kinokontrol ng Financial Services Commission (FSC) ng British Virgin Islands sa ilalim ng Investment Business Licence number na SIBA/L/24/1177.
Matuto paMga Madalas Itanong
1
Kinokontrol ba ang JustMarkets?
Ang JustMarkets ay isang kontroladong broker, na may hawak ng maraming regulatory license mula sa ilang mga pinansyal na awtoridad sa buong mundo tulad ng Seychelles Financial Services Authority (FSA), Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC), Financial Sector Conduct Authority (FSCA) at Financial Services Commission (FSC).
Tinitiyak ng mga regulatory body na ito na ang JustMarkets ay pinapatakbo alinsunod sa mga internasyonal na batas at pamantayang pampinansyal, na nagbibigay ng isang ligtas na kapaligiran sa pagte-trade para sa mga kliyente nito.
2
Saang mga bansa kinokontrol ang JustMarkets?
Ang JustMarkets ay kinokontrol sa samu’t saring bansa sa iba’t ibang kontinente. Sa Africa, ang JustMarkets ay awtorisado ng Financial Services Commission (FSC) ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA), at ng Financial Services Authority (FSA).
Sa Europa, ito ay kinokontrol ng Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC).
Tinitiyak ng mga regulatory body na ito na ang JustMarkets ay tumatalima sa mga pamantayang pampinansyal, at ang mga serbisyong ibinibigay ay kinokontrol.
3
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang kontroladong broker at hindi kontroladong broker?
Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng isang kontroladong broker at isang hindi kontroladong broker ay nakasalalay sa pangangasiwa at pagsunod sa mga legal at pinansyal na pamantayan na inaatas ng mga awtoridad na pang-gobyerno o independiyente.
Ang isang kontroladong broker ay may lisensya upang magpatakbo sa loob ng isang partikular na hurisdiksyon, o mula sa isang bansang may mutwal na kasunduan sa regulasyon, na nagtitiyak na ang broker ay tumatalima sa isang hanay ng mga paunang natukoy na panuntunan, batas, at mga hakbang sa proteksyon para sa mga trader at investor. Ipinapakita ng paglilisensyang ito na ang isang kinikilalang tagapagkonrol ay nagmo-monitor sa mga aktibidad ng broker upang masiguro na sinusunod ng broker ang mga patas na aktibidad sa pagte-trade.